What's INSIDE Matters the Most

What's INSIDE Matters the Most
Roses are best with Thorns

28 November 2016

On Our Third Decade!

WE'VE COME HOME! 

Na excite akong umuwi!
Na excite akong bumallik!
Umuwi sa kung saan ako nag umpisa.
Bumalik sa kung saan ko nakilala ang "ako" ngayon na dala ko saan man magpunta.
Yong naging "ako" nang "dahil sa kanila."
Sila na matiyagang nakinig sa bawat sharing ko na may paiyak iyak pa.
Sila na nag strategize ng mga activities na hanggang ngayon ay walang kupas ang epekto sa aking pagkatao.
Si Ma'am Myra Dizon Nicolas na mae-excite ka sa mga comments sa journal ko na hanggang ngayon ay itinatago ko pa.
Si Ma'am Twila Punsalan na sa bawat tanong ay talagang mapapaisip ka ng isasagot na magpapangiti at magpapaganda ng aura nya.
Si Ma'am Wilma Reyes na ramdam mong sumisimpatya sa bawat hugot mo in effect sa mga kwento nya.
Si Ma'am Kelly Fulgencio na naniwala sa mga kaya kong gawin noong practicum days.
Iilan lang sila dati na nagtaguyod ng aming pagpapakatao
-- at si Ma'am Tway ang pasimuno! ... hehehh :)
Nagtatag ng STEP Organization ... at pinilit palakasin Batch-after-batch kung saan na-challenge kaming 22 VE Majors : 3rd Batch, 1992!  
Hindi dapat sa amin huminto ang paglaganap ng Samahan; kaya naman bilang President kapit lang ang naging peg ko sa suporta ng mga mga ka-Batch ko ... laban sa pagtaguyod ng Samahan ng mga Tagapagpalaganap ng Edukasyon sa Pagpapahalaga! STEP!
Nakakakonsensyang hindi mo sila balikan para pasalamatan!
Kasi malaking parte sila ng kung ano ako ngayon.
At syempre, nakakapanghinayang na di mo gustuhing makasamang muli
ang mga classmate mong naging karamay mo sa hirap at sarap ng college life.
Sa bawat iyakan, tawanan, tambay sa "malaking puno ng mangga" 
-- yong katotohanan na malaking parte sila kung paano mo kinaya!
30 years na! On our Third Decade ... tuloy pa din ang advocacy bilang Values Education Major kasi dito ako nagsimula! Masarap lumingon sa pinanggalingan! -- an ATTITUDE OF GRATITUDE ika nga!
Masarap lumingon sa pinanggalingan! An ATTITUDE OF GRATITUDE ika nga!











At sa inyong lahat who made this day possible, THANK YOU ALL SO MUCH!




No comments: